Sa teknikal at makitid na pakahulugan, ang mayroong “pork barrel” ay
mga mambabatas (senador at kongresista) lamang.
Pero ang totoo – kung gagamitin ang mga mga katangian kung bakit
itinuring na “pork barrel” ang CDF/PDAF: lump sum allocation, significant or
sole discretion, at control/entitlement ng nagdesisyong mga pulitiko – lilitaw
na ang LAHAT NG OPISYAL NG BURUKRASYA
ay namamantikaan ng pondong mas nagsisilbi sa pansariling o pampartidong
interes kaysa sa tustusan ang pangangailangan ng taumbayan.
Ang Pangulo, bilang pinakamataas na opisyal ng burukrasya, ay mayroong “presidential pork”. Ito mga pondong
“lump sum” na inilalaan para sa sariling pagdedesisyon at kontrol ng
presidente. Kabilang dito, ang mga sumusunod:
(a)
Special Purpose Funds (SPF);
Ang kinamumuhiang PDAF ng mga kongresista’t senador ay nabibilang sa
ganitong kategorya. Pero ang PDAF ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang SPF na
kasama ang Budgetary Support to Government Corporations, Allocation to Local
Government Units, Calamity Fund, Contingent Fund, DepEd School Building Program,
E-Government Fund, International Commitments Fund, Miscellaneous Personnel,
Benefits Funds, Pension and Gratuity Fund (formerly Retirement Benefits fund),
PAMANA fund, Priority Social and Economic Projects Fund, Feasibility Studies
Fund at Tax Expenditures Fund.
(b)
Unprogrammed Funds (UF) at,
Kasama rito ang Budgetary Support to GOCCs (Recording of Relent Loans
in the 2014 NEP), Support to Foreign-Assisted Projects, General Fund
Adjustments, Support for Infrastructure Projects and Social Programs, Disaster
Risk Reduction and Management, Debt Management, AFP Modernization, Risk
Management Program, Payment of Total Administrative Disability Pension,
People’s Survival Fund.
(k) “Off-Budget”
Funds.
Ito ay klase ng pondong hindi kasama sa General Appropriations Act ng
Congress. Kabilang dito ang PAGCOR Presidential Social Fund, Motor Vehicles
Users Charge, Malampaya funds (kita mula sa pakikisosyo sa Shell Philippines
para sa pagmimina ng natural gas sa Palawan), PCSO Fund, Internal Revenue
Allotment, atbp.